Name: Liza May Anuada Nickname: liza / liz / beng Location: Davao City, Philippines Age: 18 years old Birthday: May 5, 1993 Twitter. Me2day. Tumblr. Formspring. |
|
//
Sunday, July 20, 2008 @ 10:40 AM Sulatin sa Filipino PAALAM KAMUSMUSAN, HELLO KABATAAN Kay sarap balikan ang panahon na ako'y musmos pa lamang. Mga panahon na puro laro lang ang ginagawa, wala pa masyadong problema na nakapaligid sa kanya. Pero ganyan talaga ang buhay, lalaki ka sa ayaw mo't sa gusto. Magiging matanda ka na paglipas ng panahon. Noong musmos pa lamang ako, ang ginagawa ko lang sa buhay ay ang mag-laro, hindi iniisip ang problema ng aking magulang at umaasa lamang ako sa aking magulang. Pero nang ako'y unti-unting lumalaki, lahat ng mga ginagawa ko noong musmos pa lamang ako ay nawala na lang nang bigla. Alam ko na ang mga nagyayari sa paligid at tumutulong na sa aking magulang. Iba talaga ang kaibahan ng musmos at kabataan. Kahit gusto mo lang maging musmos pang-habang buhay, ikaw din ay lalaki sa pagdating ng panahon. Kaya kailangang tanggapin na ikaw ay isa ng kabataan. |